*This work of fiction is not intended to bash or make fun of my good friend but rather make a really funny yet somewhat weird script fic which he suggested I should do about him taking his sudden interest in photography. Let the wackiness begin*
Si Iman The Potograp Developer
Narrator: Nagsisimula ang kwento natin ng bigyan ng kanyang tatay an gating bidang si Iman ng isang kamera.
Iman: Ohh… kamera! Hmm… makakuha nga ng ilang mga litrato. *klik! klik!* Ooohh… sige pa! *klik* ayan pa *klik* ohh… eto din *klik* plastik ng marijuana *klik* may gamot palang ganito *klik* tama na muna yan…
Narrator: Pagkakuha nya ng mga litrato kung saan saan ay umuwi na si Iman ng may ngiti sa labi habang inuupload ang kanyang mga kuha sa Photobucket.
Iman: Lupit ng digicam! Tenk u dad! Wahahahaha *klik*
Narrator: Sa likod nya ay may nakatagong tao na sumunod pala sa kanilang bahay. Lumapit it okay Iman na may dalang isang maliit na bagay na hindi natin masiguro. Paano na kaya si Iman?
*tahimik*
*isang yapak*
*tahimik*
*isa nanamang yapak*
Narrator: Eherm! Sorry ah. Kailangan pahabain eh. So uhh… diba nga may papalapit. Tapos agad nitong hinugot ang nakatagong armas at sinabing…
Di kilalang nanghimasok ng hindi bahay: Lupit ng shots mo ah. Ako nga pala si Boyet ng potograpi klab. Pwede ka ba mairecruit.
Iman: Waaw! Na recruit ako. Talented pala ako. *klik* *klik*
Boyet ng Potograpi Klab: Hindi. Wala kaming developer ng film eh. Di bale… baka mapromote ka pag gumaling ka.
Iman: Sige! Sali na ako
Narrator: Sorry Iman ah… sabi mo kasi gumawa ako ng one shot eh. *tingin sa kamera* Ay syet! Uhh… so diba nga si Iman sumali sa klab? Tapos ngayon sya na ang chief potograp developing manager. Ang prublema: Siya lang mag-isa ang nasa potograp developing staff kaya parang pakita lang yung posisyon nya. So pumunta sya sa peyborit nyang developing shop, yung nasa may paanan nung pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas, ang Mount Pinakaaktibong-bulkan-sa-Pilipinas
Iman: Pa develop po ng film.
Developer: Syet! Ang tibay mo bata! Dito ka pa sa may aktibong bulkan nagpapadevelop.
Iman: Dito po kasi ang hotspot ng potograp developing eh.
Developer: Hahaha.Oh sige. Akin na ang iyong film.
Narrator: Lumipas ang isang linggo at pumutok ang Mount Mayon.
Iman: Pa develop po ng film.
Developer: Aba! Nandito ka nanaman. Di mo ba narinig na pumutok ang Mount Mayon?
Iman: Ha? San nga ba yun?
Developer: Hahaha! Oh sige… akin na ang film.
Narrator: Lumipas ang isang taon at pumutok ang Mount Pinatubo.
Iman: Nandito po ulit ako manong. Pa develop po.
Developer: Ang tibay mo talaga. Sumabog na Mount Pinatubo tapos nandito ka pa rin malapit sa bulkan nagpapadevelop?
Iman: Sino po nagpatubo ng Mount Pinatubo? At paano po sya tumubo? Diniligan ba?
Developer: Hahaha… ang lufet ng jokes mo, boy. Ano pangalan mo?
Iman: Ako ho si Iman the developer. Isang taon na ako sa potograpi klab pero developer pa din ako.
Developer: Ahh… dedikado ka ring bata ka ah. Akin na nga yung film.
Narrator: Pagkalipas ng isang dekada ay nagsiputukan lahat ng bulkan at sa wakas, pumutok na din ang Mount Pinakaaktibong-bulkan-sa-Pilipinas.
Iman: Pa develop po.
Narrator: Walang taong sumagot.
Iman: Saan kaya si Manong developer?
Narrator: Inisip ni Iman na dahil magkalapit na sila ng mamang developer. Nakita nya itong nakahandusay sa sahig.
Iman: Mamang developer, wag kayo dyan matulog. Teka… dun tayo sa may duyan dun sa paa nung bulkan.
Narrator: Lumabas si Iman at mabilis na dumadaloy ang lahar papunta sa kanilang lugar.
Iman: Oist! May hot sauce. Umuusok pa. Sayang lang wala akong pizza.
Narrator: Nagkamalay ang mamang developer ngunit agad rin itong binawian ng buhay dahil sa nerbyos. Si Iman naman ay nanood lang habang dumaloy ang “hot sauce” papunta sa kanya.
*tahimik*
*tahimik pa rin*
*tahmik pa rin*
Iman: Nyek… bitin pa. Isang metro na nga lang eh naudlot pa.
Narrator: Pagkatapos ng pangyayari ay bumalik na sa dati ang lugar ngunit iba na ang Developer sa Potoshap. Pagkalipas ng tatlong taon…
Iman: Padevelop po.
Developer: Amfufu! Kaya nga dito ako nagpaassign kasi konti lang yung mga tao tapos biglang ganito? Ang dami daming film. Amput~~ ahhhh! Ilan film ba nagagastos mo sa isang oras? Parang kakadevelop pa lang andito ka agad. Asar!
Narrator: Sa kasamaang palad, ang manager pala’y nasa likod ng panibagong developer.
Manager: Kaya pala ah! Alam mo: You’re FIRED!!!
Iman: Hmm… wala nanamang developer? Lagot ako nyan…
Narrator: Lumabas si Iman sa kalsada. Sa kaiisip ni Iman ay di nya namalayan ang isang Kodak truck na mabilis na umaandar patungo sa kanya.
*tahimik*
*tahimik pa din*
*blag*
Narrator: Nasagasaan ang bagong developer na inihagis ng manager sa kalsada. Si Iman naman ay paikot ikot lang at hindi nya namalayan na may pulang marking nakatutok sa ulo nya na galing sa Special Forces ng Kill Potoklab Developers Movement.
*bang*
Narrator: Napadaan ang presidente at sa kabutihang palad ay sa kanya tumama ang bala. Sumaya ang mga tao at ginawa nilang pambansang bayani si Iman. Nagalit si Jose Rizal at bumangon siya sa kamatayan.
Jose Rizal: Puut~ Nangagaw ka pa ng pwesto ah. Mamamatay kaaa!
Iman: Oist! Idol! Jose Rizal! Tol, bakit ang dami mong butas sa likod. Ahh… meron nga pala akong leftover na ostya dito. Tara tagpian natin idol!
Narrator: Natunaw si Jose Rizal at tinanghal si Iman bilang Philippines’ bravest person. Ngunit nung paakyat na sya ng entablado ay nadapa sya ang natusok ng pako sa ulo kaya namatay sya. Ininterview sya ni San Pedro.
San Pedro: Ano ang pinakapangarap mo nung buhay ka pa?
Iman: Gusto ko ho sanang ma promote mula sa developing team para maging potograper na ako.
Narrator: Inabutan ni San Pedro si Iman ng upgraded Superior Holy Implement of Taking Potograps a.k.a. SHIT-Potograps at ginamit ito ni Iman upang kunan ng piktyur si San Pedro. Nasilaw si San Pedro at nahulog sya papunta sa impyerno. Si Iman naman ay masaya sa langit na pakuha kuha lang ng mga potograp sa langit. Wakas.